Ligalidad ng Anti-Terror law, malalaman ngayong taon – Gesmundo

Ligalidad ng Anti-Terror law, malalaman ngayong taon – Gesmundo

July 8, 2021 @ 2:03 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Tiniyak ng Korte Suprema na hindi matatapos ang taong ito ay mailalabas na nito ang desisyon hinggil sa legalidad ng Anti-Terrorism Law.

Sinabi ni Chief Justice Alexander Gesmundo na doble kayod na ang mga mahistrado para makabuo ng draft ng desisyon para sa mga petisyon laban sa batas.

Layon umano ng Anti Terrorism Act na pigilan, ipagbawal at parusahan ang mga naghahasik ng terorismo.

Gayunman hindi bababa sa 37 ang mga petisyon kontra sa Anti-Terrorism Law dahil sa mapang-abuso umano ang nabanggit na batas, at wala anilang lugar sa isang demokratikong bansa gaya ng Pilipinas.

Kinukuwestyon din ng mga petitioner ang umano’y red tagging sa mga personalidad na nagpapahayag ng opinyon kontra sa pamahalaan.

Teresa Tavares