Ligaw na bala naitala sa Visayas – PNP

Ligaw na bala naitala sa Visayas – PNP

December 26, 2022 @ 5:07 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Lunes, Disyembre 26 na may natanggap silang ulat ng hinihinalang insidente ng ligaw na bala sa Visayas, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon.

“Dito po sa may Visayas po, may natanggap po tayong report na meron po tayong allegedly na biktima po ng stray bullet. At yan naman po ay ating ini-imbestigahan,” ayon kay PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang televised public briefing.

Hindi pa umano tukoy kung ang ligaw na bala ay mula sa accidental firing o illegal na pagpapaputok ng baril.

Ani Fajardo, bago mag-Pasko ay may namonitor silang tatlong sibilyan na sangkot sa di-umano ay pagpapaputok ng baril.

Sa datos, mayroong 18 kaso ng illegal discharge of firearms ang naitala mula Disyembre 16, 2021 hanggang Enero 2, 2022. RNT/JGC