LIGTAS AT LIBRENG DRINKING WATER SA EMPLEYADO

LIGTAS AT LIBRENG DRINKING WATER SA EMPLEYADO

January 19, 2023 @ 11:15 AM 1 week ago


MAHIRAP kalaban ang cholera, diarrhea at iba pang sakit na nakukuha sa maruming pagkain at inuming tubig.

Ayon sa talaan ng World Health Organization, tinatayang umaabot sa 1.3M – 4M ang kaso ng cholera sa buong mundo bawat taon habang 21,000 – 143,000 naman ang namamatay dahil sa imSa bagong labor advisory 01-2023 na inilabas ng Department of Labor and Employment nito lamang Lunes, inaatasan nito ang lahat ng mga employer na ipatupad ang pagkakaloob sa mga empleyado ng libreng welfare facilities at kabilang dito ang libre at ligtas na drinking water at washing facilities.

Marami na tayong naobserbahan na pinagbabayad ng ilang employer ang kanilang empleyado sa tubig na iniinom.

Kadalasang nag-aambagan pa ang mga ito para lamang makabili sa refilling station. At ang masaklap pa ay ang kawalan ng garantiyang malinis ang biniling tubig dahil sa kawalan ng sanitation permit na nagsasabing ligtas ang eksaminadong tubig mula sa ilang refilling station.

Binanggit din sa bagong advisory ang pagtalima ng lahat ng mga establisimyento sa Presidential Decree 856 o Sanitation Code. Kailangang makakuha ng sertipikasyon mula sa awtoridad ang lahat ng mga nagpoproseso o nagbebenta ng mga pagkain at anomang inumin.

Maganda ito para tuluyan nang mapangalagaan ang kapakanan ng publiko. Aba, mahirap magkasakit tulad ng cholera o malason dahil lamang bumili ka ng fruit juice na kontaminado ng chemical na likha ng mga lumalangoy na bacteria. O, kaya naman pananakit ng tiyan at pagkalason dahil sa kontaminadong pagkain sa restaurant o nabiling expired na pagkain mula sa grocery.

Mabuti na lamang at matalas tayo sa pamimili dahil tayo mismo ay nakadiskubre ng expired na tsokolateng naka-display sa isang grocery store at inireport natin agad ang isyung ito sa manager ng establisimyento.

Ang payo natin sa mga employer, ipatupad po nang maayos ang occupational safety and health program na inaprubahan ng DOLE-Regional Office.

Kumuha ng competent safety officer na magiging tagapayo at taga-monitor.
Mas makabubuting basahin ang iba pang nilalaman ng advisory para sa kaligtasan ng lahat.