Ligtas na full face to face classes tiniyak ni VP Sara

Ligtas na full face to face classes tiniyak ni VP Sara

September 14, 2022 @ 4:33 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Siniguro ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ligtas ang pagbabalik sa full to face classes classes ng mga estudyante sa Nobyembre.

Sa budget briefing ng House Committee on Appropriations kung saan sumalang ang Department of Education sinabi ni Duterte na patuloy ang kanilang koordinasyon sa Department of Health(DoH) para mapabilis ang pagbabakuna sa mga school personnel at estudyante ngunit nilinaw nito na walang diskriminasyon anuman ang vaccination status.

Ayon kay Duterte na full face to face na ang direksyon ng Deped maliban na lamang sa blended learning modality para sa ilang lugar na may ibang sitwasyon pa sa covid.

Samantala sinabi ni Duterte na isa sa prayoridad ng kanyang liderato ay pagpapataas sa antas ng kaalaman ng mga estudyante partikular sa Math at Science ito ay kasunud na rin ng mababang resulta na nakuha sa pagsusuri kung saan nahuhuli ang mga Pilipinong magaaral mula sa Grades 4, 5 at 9 sa pag-intindi sa mga simple math problems, science concepts at kahit sa pagbabasa.

Tiwala ang kalihim na sa kanilang Basic Education Development Plan 2030 na magiging gabay ng DEPED sa pagpapatupad ng polisiya ay umpisa nang mapapabuti ang edukasyon ng bansa. Gail Mendoza