Ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes tiniyak ng DOH

Ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes tiniyak ng DOH

June 22, 2022 @ 7:16 PM 4 days ago


MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Health (DOH) na magiging ligtas ang pagbabalik ng face-to-face classes.

“Hindi po tayo magbubukas kung nakikita natin na may risk po ang ating mga kabataan kapag sila ay bumalik sa kanilang eskwelahan,” saad ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa media briefing.

Paliwanag ni Vergeire nakadepende naman ang pagbabalik ng in-person classes sa alert level system.

Kasalukuyang nasa Alert Level 1 ang National Capital Region hanggang sa June 30 na pinakamababang COVID-19 alert level.

“As long as the Alert Level is 1, now, we can say that we can resume. Pero pag dumating tayo doon sa buwan na talagang magbubukas na ang klase at napunta tayo sa Alert Level 3, definitely hindi pwede,” dagdag niya.

Hinikayat naman ni Vergeire ang mga magulang na isipin ang mental health ng kanilang mga anak at hinikayat na pabakunahan ang mga bata laban sa virus.

“They have been in lockdown for two years or more already. This is the time for us to let them go back to school to have their interactions with other people, their classmates, and their teachers para rin po hindi matigil ang kanilang pagaaral na sila ang inaasahan din ng ating bayan,” saad ni Vergeire. RNT/ JCM