Ligtas pa ring magtungo: Mga hospital na may COVID-19 patients, papangalanan na ng DOH

Ligtas pa ring magtungo: Mga hospital na may COVID-19 patients, papangalanan na ng DOH

March 9, 2020 @ 1:14 PM 2 years ago


Manila, Philippines – Pinawi ng Department of Health ang takot ng publiko ngayong Lunes, Marso 9, ukol sa pagpunta sa mga hospital na may naka-admit na kumpirmadong COVID-19 na pasyente, at sinabing ligtas pa rin ang magtungo sa mga ito.

 

Ayon pa sa DOH na isasapubliko na nila simula ngayon ang mga hospital na kung saan may mga naka-admit ng COVID-19 patients.

 

“From hereon, the DOH will be disclosing hospital names after coordination with hospitals to combat unverified or fake news,” ani Health Secretary Francisco Duque III sa Malacanang briefing.

Siniguro pa ng DOH sa publiko na may mga ipinapatupad na infection prevention and controlled practices ang mga hospital sa ganitong sitwasyon.

 

“We would like to take this opportunity to reassure the public that our hospitals have infection prevention and controlled practices in place so there is no need to avoid going to these hospitals, especially if you feel unwell,” giit ni Duque.

 

Sa kasalukuyan ay mayroon nang 10 kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas kung saan apat ang nadagdag nito lamang weekend.

 

Ang apat na bagong pasyente ay naka-admit sa mga isolation rooms ng mga sumusunod na pribadong hospital:

  • St Luke’s Medical Center sa Taguig
  • Medical City sa Ortigas,
  • Makati Medical Center,
  • at St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.

 

Siniguro rin ni Duque ang maayos na pangangalaga sa mga pasyente, maging ang paglagay sa quarantine ang mga health workers na nangalaga sa mga ito.

 

Sa ngayon ay nakataas na ang “Code Red” sa Pilipinas matapos ang maiulat na kauna-unahang kaso ng local transmission.

 

Nagpapatuloy na rin ang ginagawang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga bagong pasyente. Remate News Team