Lily band naghahanap ng kapalit ni Kean

Lily band naghahanap ng kapalit ni Kean

June 29, 2022 @ 8:00 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Ilang araw matapos ianunsyo ni Kean Cipriano ang pagtiwalag nito sa bandang Callalily, ang former bandmates nito ay naghahanap na ng kapalit niya.

Pabiro at pahugot pa ang post ng Lily Music kung saan makikitang humihingi ito ng tulong sa netizens kung ano ang magandang pangalan para sa vocalist na papalit kay Kean.

Ang hugot, dapat daw ‘yung tunog nag-stay!

“Help! Naghahanap kasi kami ng magandang name ng vocalist na papalit, ‘yung tunog nag-stay. Suggest kayo dali,” saad sa artcard with emoji na naiiyak sa kakatawa.

Bukod dito, may ilang patama na rin ang dating ka-banda ni Kean sa kanya.

May post na tungkol sa pag-grow at sa pagiging malakas kumain.

Hindi na buo ang dating banda pero marami pa ring fans ang nasasaktan lalo’t 17 years din ang pagsasama ng Callalily sa pagbibigay ng musika sa mga taga-pakinig nito.

Kasabay ng usap-usapan tungkol sa banda, maglalabas ang Lily ng new song entitled “Sinayang”.

Ooops. Grabe ang hugot ng bandmates! Now, netizens are asking, “Kean, bakit mo ba sila sinayang? Char!” Paula Jonabelle Ignacio