Limang baybaying-dagat sa bansa, positibo sa red tide

Limang baybaying-dagat sa bansa, positibo sa red tide

July 5, 2022 @ 5:00 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Nagbabala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko hinggil sa pagkain ng shellfish mula sa limang baybayin sa bansa.

Ito ay makaraang magpositibo sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang mga sumusunod na lugar:

  • Coastal waters ng Milagros sa Masbate

  • Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol

  • Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur

  • Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte

  • Lianga Bay sa Surigao del Sur

Paalala ni BFAR chief information officer Nazzer Briguera, hindi ligtas kainin ang lahat ng uri ng shellfish tulad ng tahong, talaba, at alamang na manggagaling sa mga nasabing baybayin dahil ito ay nakalalason.

Habang pwedeng kumain ng isda, pusit, hipon, at talangka basta’t lilinisin itong Mabuti bago lutuin.

Tiniyak naman ng BFAR ang pagbibigay ng tulong sa mga mangingisdang apektado ang kabuhayan dahil sa red tide. RNT/ JCM