Limang fling ni Nora, sinasaliksik!

Limang fling ni Nora, sinasaliksik!

February 22, 2023 @ 4:30 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Nagpasintabi muna si Nora Aunor sa dating ka-loveteam na si Tirso Cruz III nang sumalang sa Fast Talk with Boy Abunda.

Sa nasabing guesting na ‘yon ipinagtapat ng Superstar at National Artist ang kanyang buhay-pag-ibig.

Hindi nangiming inamin ni Ate Guy na between Tirso and Christopher de Leon na pinakasalan niya noon at nagkaroon ng anak sa katauhan ng aktor ding si Ian ay ang una ang minahal niya nang seryoso.

Inalala ni Guy ang minsang nag-inom daw siya ng alak isang gabi at pumunta sa bahay nina Pip (palayaw ni Tirso).

Hindi raw siya pinapasok, bagkus ay pinakahulan pa siya sa mga aso.

Mabuti na lang daw at hindi siya nakita ng mga dumadaang fans, dahil bigla raw siyang nagsuot sa kanyang sasakyan.

Mahihinuhang may alitan sila noon ni Pip na kailangang ayusin.

Ramdam daw ni Nora na one-way lang ang kanilang off and on relationship which lasted for 11 years.

Tinatanong daw niya si Pip kung dahil lang daw ba sa mga fans kung kaya’t nabuo ang kanilang relasyon.

Nora didn’t mince words when she confessed na pagdating sa usaping puso ay baliw siya.

Dahil masaya na raw siya ngayon ay hindi na nag-iilusyon pa si Nora kay Pip.

Sa guesting ding ‘yon inamin ni Nora na lima- lima ang naging fling niya nang sabay-sabay, pahiwatig na ang tanging sineryoso lang niya sa tanang buhay niya ay walang iba kundi ang kasalukuyang chairman ng Film Decelopment Council of the Philippines.

Ang iba pang naugnay kay Nora ay si Joseph Estrada noong hindi pa ito pinuno ng bansa, Richard Merck at John Rendez.

Pilit sinasaliksik ngayon ng mga showbiz historians kung sino ang limang lalaking naka-fling ni Nora ayon sa kanyang pangungumpisal kay Boy. Ronnie Carrasco III