Limang Miyembro ng Maute, patay sa Tubaran

Limang Miyembro ng Maute, patay sa Tubaran

June 18, 2018 @ 3:35 PM 4 years ago


Lanao del Sur – Bineripika ng militar na limang miyembro ng Maute group ang patay sa sagupaan sa bayan ng Tubaran, Lanao del Sur.

Ang sagupaan ay naganap noong Lingo kung saan ginamitan ng airstrike ng gobyerno ang bayan. Inilikas naman ang mga residente sa nasabing bayan.

Target sa operasyon na ito ang leader ng Maute group na si Abu Dar.

“There are reports indicating that 5 members of the Maute-ISIS group led by Owayda Benito Marohombsar alias Abu Dar, have been killed. The military is still verifying these reports,” ayon kay Major General Roseller Murillo, commander of the 1st Infantry Division.

Dagdag pa ni Murillo, ang tropa ng militar ay sinisigurong ang bakbakan ay manyayari lamang sa bubunduking bahagi ng bayan ng Tubaran at Pagayawan sa Lanao del Sur.

Isa si Abu Dar sa mga itinuturong namumuno sa mga terorista sa 5-month siege sa Marawi City noong nakaraang taon.

Una nang kinumpirma ni Col. Romeo Brawner, deputy commander of Joint Task Group Ranao, ang naganap na military airstrike sa grupo ni Abu Dar sa palibot ng Sitiio Giarong. (Remate News Team)