Limang miyembro ng robbery group, lagas sa engkwentro!

Limang miyembro ng robbery group, lagas sa engkwentro!

July 25, 2018 @ 9:10 AM 5 years ago


 

Nasugbu, Batangas – Patay sa sagupaan ang limang miyembro ng armadong grupo ng magnanakaw sa Barangay Wawa, Nasugbu, Batangas.

Sa report ni Batangas police director Edwin Quilates, search warrant lamang sana ang ihahain ng mga pulis sa mga suspek ngunit hindi na nila ito naibigay nang bigla silang paputukan ng mga ito.

Aniya, napilitang gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa engkuwentrong ikinamatay ng mga suspek.

Ani Quilates, hinihinalang sangkot din sa pagtutulak ang mga hindi pa kinilalang suspek. — NENET L. VILLAFANIA