LIMANG TAONG PROGRAMA NG MANILA WATER, MAGSESEGURO SA MAAYOS NA SUPLAY NG TUBIG    

LIMANG TAONG PROGRAMA NG MANILA WATER, MAGSESEGURO SA MAAYOS NA SUPLAY NG TUBIG    

November 17, 2022 @ 11:26 AM 2 weeks ago


BILANG pagtupad ng Manila Water Company, Incorporated sa pangako nitong paghahatid ng magandang serbisyo ng paghahatid ng tubig sa 7.4 million nitong customers sa easter side ng Metro Manila at lalawigan ng Rizal, ay magsasagawa ng limang taong programa ang kumpanya mula taong 2023 hanggang 2027 na alinsunod sa service continuity, service accessibility at environmental sustainability.

 Maglalaan ang Manila Water ng kabuuang halagang 181 billion pesos kung saan ay 105 billion pesos ang ilalaan sa massive capital expenditure program nito.

Patuloy na lumalaki ang pangangailangan sa tubig ng mga residenteng binibigyang serbisyo ng kumpanya na tumataas ng dalawa hanggang tatlong porsiyento bawat taon.

Umaasa ang Manila Water sa suplay ng tubig nito mula sa halos fifty-years ng Angat dam, gayundin ang isa pang water concessionaire.

Nagsimulang kumuha ng tubig mula sa Laguna de Bay ang kumpanya bilang paghahanda sa epekto ng climate change. Natapos na rin nito ang Cardona Water Treatment Plant kung saan kumukuha ng aabot sa 100 million liters ng tubig bawat araw ang nakukuha mula sa gitnang bahagi ng lawa.

Kabilang din sa Laguna Lake Water System ang East Bay Water Supply Project Phases 1 at 2 na may kapasidad na 250 million liters per day

Maging ang Antipolo Water System na magmumula sa Wawa Calawis Water Supply Project kung saan ang phase 1 ay magbibigay ng 80 MLD at karagdagang 438 million liters per day (438 MLD) sa taong 2025.

Nagpapatuloy din ang koordinasyon ng Manila Water sa MWSS o Metropolitan Waterworks and Sewerage System para sa Sumag River Diversion Project at sa Umiray-Angat Transbasin Rehabilitation Project na inaasahang magdaragdag sa kapasidad ng Angat dam.  

Asahan din ang pagpapatibay sa mga  imprastraktura ng Manila Water bilang kahandaan sa pagtama ng mga kalamidad katulad ng paglindol at malalakas na bagyo kabilang ang retro-fitting, pagseseguro sa structural integrity ng mga pasilidad, rehabilitasyon ng mga mainlines, at paggawa ng mga emergency reservoirs.

Magtatayo din ang kumpanya ng wastewater treatment facilities na alinsunod sa new standards on biological nutrient removal para maseguro na malinis ang tubig na muling ibabalik sa mga water receiving bodies alinsunod sa probisyon ng Clean Water Act.