Limited in-person classes pwede na sa rural areas sa Enero – Gatchalian

Limited in-person classes pwede na sa rural areas sa Enero – Gatchalian

December 9, 2021 @ 11:11 AM 10 months ago


Manila, Philippines – Iginiit na posibleng magpatupad ng limited in-person classes sa rural areas sa Enero, ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate committee on basic education.

Nasa 400 lokal na gobyerno na aniya ang walang kaso ng COVID.

“In the rural areas my own analysis (is) we can already proceed with limited face to face classes as early as January,” saad nito sa panayam ng ANC’s Headstart.

“Some rural areas in the country are experiencing zero COVID. In the urban areas it’s a different story, we still have to be cautious.”

Paliwanag pa ni Gatchalian, ang mga paaralan sa rural areas ay kayang makapagsagawa ng higit pa tatlong oras na pag-aaral kung magpatutupad ng half-capacity sa silid-aralan.

“Kailangan pa magmask, the shield should be studied carefully. The kids have a hard time talking,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi ng senador na dapat munang regular na ma-test ang mga guro sa COVID upang mapalakas ang kapanatagan ng mga magulang sa pagbabalik ng face-to-face classes.

“We go with improving the confidence by testing teachers regularly. Of course that will be shouldered by government. And second we have to make sure teenagers are also vaccinated.” RNT/FGDC