Lindol sa Zambales, ramdam sa Metro Manila

Lindol sa Zambales, ramdam sa Metro Manila

March 16, 2023 @ 1:39 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Naramdaman sa ilang bahagi ng Metro Manila ang magnitude 4.7 na lindol na tumama sa Zambales, Huwebes ng tanghali, Marso 16.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang sentro ng lindol 14 na kilometro hilagang-silangan ng Masinloc.

May lalim itong 22 kilometro at naitala 12:21 ng tanghali.

Babala ng PHIVOLCS, posibleng magdulot ng pinsala ang naturang lindol.

Sa impormasyon, naitala ang “weak” Intensity 3 ng lindol sa Quezon City at Intensity 2 naman sa Baguio City.

Ayon pa sa PHIVOLCS, naitala rin ang mga sumusunod na instrumental intensities:

Intensity III – Infanta, Pangasinan; Lucena City, Quezon; Santa Ignacia, Tarlac; Iba, Cabangan, Zambales

Intensity II – Orani, Bataan; Santol, La Union; Bamban, Tarlac City, Tarlac; Olongapo City, Zambales

Intensity I – Dinalupihan, Abucay, Bataan; Obando, Malolos City, Plaridel, Calumpit, San Ildefonso, Bulacan; ; Roxas City, Capiz; Tagaytay City, Cavite; Vigan City, Ilocos Sur; Pasay, Marikina City, Metro Manila; San Jose, Gapan City, Nueva Ecija; Guagua, Magalang, Pampanga; Urdaneta, Bolinao, Pangasinan; Ramos, Tarlac; Subic, Zambales

Patuloy lamang na i-refresh ang post na ito para sa pinakabagong impormasyon. RNT/JGC