Lindol, tsunami sa Indonesia: 5K indibidwal, nawawala

Lindol, tsunami sa Indonesia: 5K indibidwal, nawawala

October 8, 2018 @ 8:12 AM 4 years ago


 

Indonesia – Pinaniniwalaang nasa 5,000 indibidwal pa ang nawawala matapos tumama ang malakas na lindol na sinundan ng tsunami sa Palu City, Indonesia, ayon sa opisyal nitong Linggo.

Sa huling tala ng disaster agency ng Indonesia, nasa 1,763 na bangkay na ang kanilang narekober matapos yumanig ang 7.5 magnitude na lindol na sinundan ng tsunami na tumama sa Sulawesi noong September 28.

Gayunpaman, pinangangambahan ng mga awtoridad na ang naturang bilang ay maaari pang tumaas lalo na sa mga kalapit na lugar ng Palu City, Petobo at Balaroa, na apektado ng kambal na unos.

“Based on reports from the (village) heads of Balaroa and Petobo, there are about 5,000 people who have not been found,” ayon kay agency spokesman Sutopo Purwo Nugroho nitong Linggo.

“Nevertheless, officials there are still trying to confirm this and are gathering data. It is not easy to obtain the exact number of those trapped by landslides, or liquefaction, or mud.”

Ayon kay Naguro, ang search operation ay magpapatuloy hanggang October 11 lamang. Sakaling hindi pa rin mahanap ang naturang bilang ng indibidwal, ililista na ang mga ito na missing, ‘presumed dead’.

Ang bilang ng mga nawawala ay lubhang tumaas simula noong naganap ang insidente, sapung araw na ang nakalilipas. Ayon sa mga opisyal, nasa 1,000 indibidwal pa rin kasi ang nabaon sa Palu.

Naglalaho na rin ang pag-asa ng mga awtoridad na makarekober ng mga survivor.

“This is Day 10. It would be a miracle to actually find someone still alive,” Muhammad Syaugi, namumuno sa  search and rescue agency ng Indonesia./Remate News Team