Lindol, yumanig sa Surigao del Sur

Lindol, yumanig sa Surigao del Sur

October 8, 2018 @ 8:23 AM 4 years ago


 

Surigao del Sur  – Niyanig ng magnitude 4.9 na lindol ang Surigao del Sur  ngayong Lunes, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

 

Ayon sa ulat, tumama ang lindol dakong alas-5:45 ng umaga.

 

Namataan ng Phivolcs ang epicenter ng lindol sa 30 kilometers hilagang-silangan ng Cortes, Surigao del Sur at may lalim na 22 kilometers.

 

Kasunod nito, wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang  aftershocks kahit na mataas ang lebel ng magnitude nito./Remate News Team