Lindsay Lohan, babangon muli!

Lindsay Lohan, babangon muli!

July 31, 2018 @ 9:53 AM 5 years ago


 

Los Angeles – Mapapanuod na muli ang aktres na Lindsay Lohan sa isang reality series sa U.S Televison na iikot sa kaniyang negosyong night club sa Greece.

Sinabi ng MTV kahapon (July 30) na ang “Lohan Beach Club” ay sesentro sa aktres habang pinapatakbo niya ang kabubukas pa lang na nightclub at restaurant business sa Greece.

Inaasahang ipalalabas ang show sa 2019 kung saan makikita si Lohan, 32-anyos, na pamumunuan ang grupo ng “brand ambassadors” na tutulong  sa kaniya para i-promote ang kaniyang negosyo “while striving to rise above the temptations the Mykonos night life scene has to offer.”

Si Lohan ay isa sa mga sikat na aktres sa Hollywood matapos ang kaniyang pagganap sa “The Parent Trap” at “Mean Girls”.

Bumagsak ang kaniyang career matapos siyang masangkot sa mga kaso at pag-abuso sa mga iligal na gamot. Anim na beses siyang napunta sa rehab noong 2007 hanggang 2013. Labas-pasok rin siya sa kulungan dahil sa kaliwa’t kanang paglabag mula sa pagnanakaw, pagmamaneho ng lasing at drug possession.

Ang huling pelikula ni Lohan ay noon pang 2013, isang low-budget thriller, ang “The Canyons”.

Lumipat siya sa London at kalaunan ay sa Dubai. Sa ngayon ang pinakamalaking proyekto ni Logan ay ang dark British TV comedy “Sick Note” kung saan gumanap siya sa isang supporting role sa second season na nagsimulang umere noong nakaraang linggo.

Ang Mykonos beach club ay pangatlong business na ni Lohan sa Greece kasunod ng pagbubukas ng isa pang night club na isinunod sa pangalan niya noong 2016 sa Athens at isang beach house sa Rhodes na nakatakdang magbukas sa summer. Remate News Team