Lineman, lumupaypay sa poste

Lineman, lumupaypay sa poste

June 2, 2021 @ 2:08 PM 2 years ago


PANGASINAN- Mistulang sinampay na nakasabit ang isang lineman nang makuryente ito sa poste ng Pangasinan Electric Company (PANELCO) habang nagkakabit ng PLDT cable wire kahapon sa lalawigan ito.

Kinilala ang biktimang si Nante Manalo, 32, tubong Plaridel Bulacan at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion East, Natividad.

Batay sa report ng Natividad Police Station, kasalukuyang nagkakabit ng linya ng PLDT ang biktima sa nasabing poste nang bigla na lamang mahawakan nito ang high tension wire.

Dito, nagkikisay ang biktima at sumabit ang katawan nito sa poste ng puno ng mga wire.

Agad naman pinagtulungan ng kanyang mga kasama na ibaba ang katawan ng biktima saka dinala sa ospital pero dineklara na itong patay ng umatending doktor./Mary Anne Sapico