Link sa SMS ‘di iba-block ng Smart

Link sa SMS ‘di iba-block ng Smart

October 1, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inihayag ng Smart Communications Inc., wireless services arm ng PLDT Inc. nitong Biyernes na napagdesisyunin nitong isantabi ang pag-block sa clickable links sa text messages o short message service (SMS).

Inihayag ng Smart na nauna na nitong ikonsidera ang pag-block sa clickable website links o Uniform Resource Locators (URLs) sa lahat ng SMS na dumaraan sa network nito bilang tugon sa pagtaas ng kaso ng  smishing.

“Upon closer study, however, we decided to forego this approach. Notably, neither the National Telecommunications Commission nor the National Privacy Commission has ordered the ban on clickable links in SMS,” sabi ni Angel Redoble, unang vice president at chief information security officer ng PLDT at Smart.

Gayundin, sinabi ni PLDT at Smart chief data privacy officer Leah Jimenez na “smishing is best fought with nuance, by wielding a scalpel and not an axe. We are taking a multi-pronged approach on targeted smishing.”

Ipinaliwanag pa ni Redoble na patuloy ang pagtugon ng Smart sa smishing.

Sinabi niya na “SMS sent via our SMS broadcast service can no longer contain URL shorteners that have been shown to be used by SMS spammers.”

“More importantly, we have not hesitated in suspending access to our network of aggregator-clients that have been involved in sending out smishing. We also continue to cooperate in the ongoing government investigations. We comply with the orders of our regulators for information on smishing activities,” giit ni Redoble.

“We have met with law enforcement officials to strategize on how to apprehend the perpetrators of these SMS scams. We still have our public awareness initiatives to educate the public on how best to protect themselves against SMS-related frauds,” dagdag pa niya.

Nauna nang ikinasa ng Globe na pansamantalang i-block ang lahat ng text messages mula sa prepaid at postpaid numbers nito na naglalaman ng URLs o website links bilang bahagi ng paglaban sa spam at scam text messages.

Magugunitang ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) sa telcos na i-block ang URLs, links, at quick response codes sa text messages sa gitna ng pagkalat ng spam text messages, kung saan naglalaman ang iba ng buong pangalan ng recipient. RNT/SA