Linya ng kuryente ‘di damay sa lindol-NGCP

Linya ng kuryente ‘di damay sa lindol-NGCP

July 27, 2022 @ 11:49 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) nitong Miyerkoles na nananatiling gumagana ang mga serbisyo nito sa kabila ng malakas na lindol na yumanig sa Abra at naramdaman sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang magnitude 7.0 na lindol alas-8:43 ng umaga at nasa 17.63°N, 120.74°E – 002 km N 20° silangan ng Lagangilang sa Abra. Ito ay may lalim na 025 kilometro.

Nauna nang sinabi ng PHIVOLCS na 7.3 ang magnitude.

“Power transmission services of NGCP remain normal despite the 7.3 magnitude earthquake which occurred in Lagangilang, Abra at 8:43 a.m. today, 27 July 2022,” anang NGCP.

“The Luzon Grid remains intact, but we monitored a rise in frequency, which indicates load tripping,” dagdag pa sa abiso.

Sinabi ni Mayor Joseph Bernos ng La Paz, Abra sa panayam sa DZBB, na nakatanggap siya ng mga ulat ng mga nasirang gusali sa lalawigan, kabilang ang mga simbahan. RNT