LIONS AT LEOS SA PASAY

LIONS AT LEOS SA PASAY

October 5, 2022 @ 4:55 PM 2 months ago


GINANAP ang ika-73 na anniversary at ika- 74 na induction ng Pasay City Host Lions Club sa Lime Hotels and Resorts sa Seascape, Pasay City nitong nakaraang Sabado.

Kasama na ring idinaos ang ika-31 na anniversary at ika-32 na induction ng Pasay City Host Leo Club.
Bilang miyembro ng PCHLC at chairman ng program committee o bilang adviser para sa PCH Leo Club, siyempre, masaya tayong dumalo.

Nakita natin ang pwersa ng mga nakatatanda at nakababatang Leon na dumalo na dinaluhan din ng mahigit 50 na Lions Clubs sa District 301-A2.

Magandang pakinggan ang mga pahayag ng mga kabataang Lion na nagkakaedad 18 hanggang 30.
Seryoso ang mga ito sa paglilingkod sa mga nangangailangan sa lipunan at pagsama-sama sa mga nakatatanda sa programang Lion.

Ginunita ng mga kabataan ang kanilang mga aktibidad na pagtulong sa mga biktima ng kalamidad mula sa pagsabog ng Bulkang Taal at iba pang mga kalamidad, sa pakikipaglaban sa coronavirus disease-19, sa mga programa ng mga eskwela sa mga batang mag-aaral, libreng eyeglasses sa mga mag-aaral sa mga public elementary at high school sa Pasay, sa mga nasunugan, sa mga libreng tuli at pamimigay ng iba’t ibang tulong gaya ng mga gamot, laruan ng mga bata at iba pa.

Pinamumunuan sa Leo Year 2022-23 ni Tenten Cabalbag at inilipat sa kanya ang pamumuno ni Bea Claire Antiporda.
Naging panauhing pandangal sa okasyon si National Irrigation Administration Benny Antiporda at naging Keynote Speaker naman si Past International Director Michael So.

Ipinamalas nina Antiporda at So ang mga halimbawa ng mga lider na dapat tularan ng mga kabataan.
Seryosong paninilbihan sa mga nangangailangan sa lipunan, kasama ang mga biktima ng mga kalamidad at pandemya, ang kanilang binigkas para sa mga Lion at Leo.

Kaya naman, naging buhay na buhay ang mga sigaw ng mga Lion na “ROAR” at ng mga Leo na “We Serve” sa gabing iyon.