Lipa Archdiocese nananawagan ng tulong sa mga apektado ng Bulkang Taal

Lipa Archdiocese nananawagan ng tulong sa mga apektado ng Bulkang Taal

July 6, 2021 @ 10:49 AM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umapela ng tulong ang Arkidiyosesis ng Lipa para sa mga  residenteng lubhang apektadong residente ng pagliligalig ng Bulkang Taal.

Ayon kay Lipa Archdiocesan Social Action Commission (LASAC) Director, Fr. Jayson Siapco, hindi kailangan ang sobra upang makatulong, bagkus, anumang uri ng pagmamalasakit ay malaki ang maidudulot na epekto sa mga higit na nangangailangan basta’t ito’y bukal sa kalooban.

“Hospitality is not giving so much. It is giving you can and what you have,” ayon kay Fr. Siapco.

Dahil naman sa  patuloy na pagdami ng bilang ng mga nagsisilikas kada araw, kung saan nagdudulot na ito ng pagsisiksikan at pahirapang pagpapatupad ng ilang COVID-19 health protocols sa evacuation centers ang mga Katolikong paaralan at simbahan ay hinihikayat na magbukas bilang pansamantalang evacuation centers .

Hiniling din ng Arkidiyosesis ang pagtatayo at paglalaan ng ‘safe spaces for women and for children’ upang higit na maging maayos at ligtas ang evacuation centers para sa kanila.

Ito ay dahil na rin sa ulat na magkahalo ang palikuran  ng babae at lalaki na karamiha’y mga menor de edad. Jocelyn Tabangcura-Domenden