Lips ni Baby Peanut, mana kay Luis!

Lips ni Baby Peanut, mana kay Luis!

October 5, 2022 @ 2:01 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Upon the doctor’s advice, para matiyak ang kalagayan ng kanilang anak ay pumayag si Jessy Mendiola na magpa-ultrasound.

Awa naman ng Diyos, normal ang growth ni Baby Peanut.

Ito’y sa kabila ng pagkakaroon ni Jessy ng COVID-19, bagay na ikinatakot niya.

Pagmamalaki nga ni Jessy sa image ng unborn baby, ang mga labi raw nito’y kuha kay Luis Manzano.

Sagot naman ni Luis na tila hindi gaanong flattered, “Okey na, kahit sa iyo na lang.”

For sure, biro lang ‘yon ni Luis pero deep inside he can’t wait to see his baby daughter come out.

Baka isabay na rin ng celebrity couple ang paglipat nila sa bago nilang tirahan.

Ani Luis, mas safe daw ito.

May nakahanda na rin daw nursery room para kay Baby Peanut.

Incidentally, ngayon pa lang ay nagpapahiwatig na si Momsie (take note, hindi lola) Vilma Santos na puwede naman siyang mag-alaga sa kanyang apo.

Pero hanggang doon lang ‘yon.

Aminado kasing bagsak ang Star for All Seasons sa departamentong pagpapadede at pagpalit ng diapers ng baby.

Ito raw ang hindi niya natutunan noong mga babies pa sina Luis at Ryan Christian dala na rin ng kanyang showwbiz work.

Kaya Luis at Jessy, don’t tell Momshie didn’t warn you! Ronnie Carrasco III