Hindi lang sa labi nagagamit ang lipstick, alam niyo bang may iba’t iba pa itong gamit sa ating pang-araw-araw na buhay?
- Skin Balm
Alam natin na ang main purpose ng lipstick ay para i-enhance ang kulay n gating labi, pero nagtatagalay rin ito ng moisturizer at sunscreen kaya pwede siyang gamitin para sa balat lalo na para iwas sunburn. Pero dapat ang gamitin mong kulay ay yung pang natural color lang, kung ayaw mong magmukhang dinuguan.
- Eye shadow
Mas madikit ang lipstick kapag ginawang eyeshadow. Kaya naman mainam din itong gamitin lalo na’t may mga kulay itong swak na swak sa iyong getup look.
- Emergency fire starter
Petrolatum (petroleum jelly) ang main ingredient ng lipstick na maaari ring gamitin sa paggawa ng apoy. Kapag nasa survival mode ka at may lipstick ka, ipahid mo lang ito sa bato at pagkiskisin, siguradong may instant bonfire ka na!
- Used to Fix Scratches over Shoes
Pwedeng gamitin ang lipstick sa pagtakip ng mga gasgas ng sapatos, maaring ka ring gumamit ng iba’t ibang kulay para mas lalong maging maganda ang lumang sapatos.
- Hide that tattoo you got during one tragic spring break
Kailangan bang itago ang iyang tattoo? Pwede kang gamamit ng lipstick ng orange na lipstick para maging balance ang kulay nito bago lagyan ng foundation or concealer.
May mga bagay talaga na hindi lang para sa isang gamit. Dahil ang Pinoy ay likas na mapamaraan, may mga kagamitan tayong kayang gamitin sa iba pang bagay. (Remate News Team)