Liquor ban kasado na sa Mayo 8-9

Liquor ban kasado na sa Mayo 8-9

May 7, 2022 @ 3:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Bilang bahagi ng pagsisiguro sa maayos na halalan sa Lunes, ipatutupad ang liquor ban sa bansa simula sa Linggo, sa pagpapaalala ng Philippine National Police (PNP) sa publiko ang election rules at mga ipinagbabawal na ipatutupad sa Mayo 8 hanggang 9.

Ipinalabas ng Commission on Elections (Comelec) ang Resolution No. 10746 kung saan nakasaad ang pagbabawal sa “selling, furnishing, offering, buying, serving, or taking intoxicating liquor during the identified period.”

“Anyone found violating any of the provisions may face the penalty of imprisonment of not less than one year but not more than six years without probation,” ani PNP Chief Officer-in-Charge/Security Task Force Commander, Lt. Gen. Vicente D Danao Jr.

Aniya, umaapela ang PNP sa publiko na maging disiplinado at sumunod sa mga panuntunan upang maiwasan ang kaguluhan.

“We just want to maintain our peace and order in every community. Let us exercise the freedom of expression and right to suffrage in a calm and sacred manner,” pahayag ni Danao.

Iginiit naman ni Danao na magbabantay ang PNP at magiging alerto sa mga ulat ng paglabag sa mga panuntunan.

“As OIC of the PNP, we will ensure (a) secured, accurate and fair elections for 2022 and we will protect the mandate of the Constitution and the mandate of the Filipino people. Sa mga nagbabalak mandaya, just a stern warning sa inyo ito, we will use the full force of the law against you, at kung mahuli kayo pasensya, siguradong may pagkakalagyan kayo,” sabi ni Danao.

“Yung mga pulis naman, let us remain apolitical, non-partisan. Regardless kung kaninong kandidato yan, dapat pantay-pantay ang pagtrato natin sa kanila,” paalala pa niya. RNT/SA