Bong Go, pinuri si PRRD sa pagpapalakas sa karera ng mga guro

June 27, 2022 @3:45 PM
Views:
7
MANILA, Philippines- Pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagpalalabas ng executive order na lalo pang magpapalakas sa karera ng mga guro sa pampublikong paaralan sa pamamagitan ng pag-eestablisa ng mga bagong titulo ng posisyon na may kaakibat na salary grades.
Ang EO 174, na mas magpapalawak ng sistema ng pag-unlad sa karera ng public school teachers ay layong isulong ang professional development and career advancements ng mga titser sa loob ng public school system.
“Habang kinakaharap ng bansa ang pandemya ng COVID-19 at ang sistema ng edukasyon ay umaayon sa bagong normal, ang mahalagang responsibilidad ng ating mga guro sa paggarantiya sa patuloy na paghahatid ng pag-aaral ay naging mas mahirap,” sabi ni Go.
“Nararapat lamang po na maglatag tayo ng mga polisiya na layong suportahan ang kanilang propesyon na magbibigay sa kanila ng oportunidad upang matulungan ang kanilang papel bilang tagahubog ng kaisipan ng ating mga kabataan,” dagdag ng senador.
Sinabi ng senador na makatutulong ang EO sa mga guro na patuloy na mabigyan ng mataas na kalidad na edukasyon ang mga estudyante.
Ang Department of Budget ay inaatasan na lumikha ng karagdagang position titles ng Teacher 4, 5, 6 at 7, gayundin ang Master Teacher 5. Gayundin, ang School Principal 1, 2, 3 at 4 ay idinaragdag sa career line of school administrators.
Ang Civil Service Commission minimal requirements and qualifications ay dapat maabot upang makaabanse sa mga puwestong Master Teacher I at School Principal I.
Ikinagalak ng Department of education ang napapanahong pagpalalabas ng nasabing EO. Noong Marso, hinangad ng DepEd na magkaroon ng mga bagong antas ng pagtuturo upang palawakin ang pagkakataong pang-promosyon para sa mga guro.
Sinabi ng DepEd na ilang guro ang natigil sa Teacher III level dahil ang posisyon ng Master Teacher I ay nangangailangan ng mataas na requirements.
Matagal nang isinusulong ang kapakanan ng mga guro sa bansa, naauna nang hinimok ni Go ang pambansang pamahalaan na magbigay ng karagdagang suporta para sa public school teachers dahil sa hirap na kanilang kinakaharap sa pandemya na dulot ng COVID-19.
Binanggit niya ang paghihirap na nararanasan ng mga guro sa blended learning approach na ipinatutupad habang limitado ang face-to-face classes.
“Patuloy tayong maghahanap ng paraan na mabigyan ng suporta ang ating educational sector upang hindi matigil ang pag-aaral ng ating mga kabataang Pilipino,” sabi ni Go.
“Kung gusto nating umunlad, dapat bigyan natin ng malaking importansya ang kapakanan ng mga guro para maisaayos ang pag-aaral ng ating kabataan, lalo na sa literacy at numeracy,” anang mambabatas. RNT
Grupo sa Marcos admin: Oil, gas exploration talks sa Tsina, ‘wag kagatin

June 27, 2022 @3:30 PM
Views:
11
MANILA, Philippines- Dapat umanong ipagpaliban ng administrasyong Marcos ang joint exploration deals sa China at ipaglaban ang soberanya ng Pilipinas sa West Philippine Sea, ayon sa fisherfolk group nitong Lunes.
Sinabi ni Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) national chairperson Fernando Hicap na dapat umanong maglabas ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng pahayag”completely shelving the joint oil exploration and that no negotiations in connection to this matter would ever proceed.”
“We attest that this joint venture will institutionalize and intensify the Chinese plunder of our marine resources. Everyone has witnessed how China blatantly disregards our legal and political rights over the West Philippine Sea amid an international ruling that invalidated its claim,” ayon kay Hicap.
“Given this situation, China allowing us to get our fair share from this joint venture is improbable.”
Matatandaang inilahad ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ena ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang terminasyon ng joint oil exploration discussions ng Pilipinas sa Beijing.
“The President has spoken. I carried out his instructions to the letter. Oil and gas discussions are terminated completely. Nothing is pending. Everything is over,” sabi ni Locsin.
Samantala, inihayag naman ni Hicap na dapat magkaroon ng incoming president ng “guiding principle on how to peacefully and diplomatically face this threat to our national sovereignty and territorial integrity.”
“We reiterate that we don’t need China or any foreign country to explore and make use of our natural resources. We have overwhelming intellectual human resources for this industry that the past administrations had chosen to neglect and de-industrialize,” giit pa niya. RNT/SA
Sotto inoperang maglaro sa Gilas sa FIBA Asia Cup

June 27, 2022 @3:21 PM
Views:
7
ANTIPOLO – Ibinunyag ni Chot Reyes na may nakabinbing alok ang Gilas Pilipinas para kay Kai Sotto na maglaro sa FIBA Asia Cup sa Indonesia sa susunod na buwan.
May posibilidad na makukuha ang 7-foot-3 Filipino para sa July 12 hanggang 24 event pwera na lang kung pipiliin niyang maglaro sa NBA Summer League.
“Nag-offer na kami (sa kanya). We’ve told them that he’s most welcome here,” ani Reyes na inaasahang titimon sa Gilas sa pagsabak sa Asia Cup ng bansa.
“So kailangan niyang magdesisyon, kasi conflict yung Summer League sa FIBA Asia Cup.”
Hindi pa nagagawa ni Sotto at ng kanyang kampo ang kanilang susunod na hakbang matapos ang 20-anyos na Pinoy ay hindi na-draft sa NBA noong Biyernes.
Una nang sinabi ng kanyang ahente na si Joel Bell na maglalaro si Sotto para sa Gilas Pilipinas, ngunit kalaunan ay sinabi ng dating Ateneo high school standout na ‘misspoke’ ang kanyang ahente at inulit na wala pang desisyon kung makapaglalaro siya sa Summer League o hindi.
Sinabi ni Reyes na hindi pa nakakakuha ng tugon ang Gilas mula kay Sotto tungkol sa alok.
“So far wala pang sagot,” said the TNT coach.JC
ICC prosecutor na nais mag-imbestiga sa PH ‘drug war’ handa na sa laban – abogado

June 27, 2022 @3:15 PM
Views:
16
MANILA, Philippines- Inihayag ng isang abogadong kumakatawan sa mga biktima nitong Lunes na ang hirit ng International Criminal Court prosecutor na ipagpatuloy ang imbestigasyon sa drug war sa Pilipinas ay nagpapakita na handa na ito para sa isang trial.
Sa 53-page request na makikita sa website ng ICC, sinabi ni ICC Prosecutor Karim Khan na hindi ipinakikita ng pamahalaan ng Pilipinas na inimbestigahan o iniimbestigahan nito ang mga krimen sa huridiksyon ng ICC, matapos pag-aralan ng kanyang opisina ang deferral request ng Manila.
Ang mga pahayag ni Khan kamakailan at ang “clear indictment of the President tells us maybe he’s just not ready for this investigation, he’s ready for trial,” ani Atty.Kristina Conti, assistant counsel sa mga biktima.
“The amount of evidence before him shows, tells us this case is ripe in the sense that we have clear evidence from the victims,” dagdag niya.
“That the killings are widespread and systematic. And then that establishes crimes against humanity not just murder. And he has identified a pattern, a policy that leads up to the President.”
Tinanggap naman ng mga biktima at kanilang mga pamilya ang development “and took it as a vindication,” ayon kay Conti.
“In this document, the ICC has clearly parsed through and ran over cases that have been submitted or under investigation in the Philippines. And that gives us hope clearly that the position of the Philippines not investigating genuinely is supported even by the ICC analysis,” sabi niya.
Ang mga pamilya ng mga biktima ay “somewhat skeptical” sa pagsisikap ng pamahalaan na i-rebyu ang drug war dahil “there have been very few efforts” upang abutin sila, base pa kay Conti.
“What it means for a lot of us on the ground is they aren’t looking at victims of these crimes, they aren’t seeing us as partners in this journey towards accountability,” patuloy ng abogado.
Inaprubahan ng International Criminal Court (ICC) noong Setyembre ang full inquiry sa umano’y mga krimen laban sa mga karapatang-pantao ng drug war ni Pangulong Rodrigo Duterte drug. Matatandaang sinuspinde ng ICC ang imbestigasyon halos dalawang buwan alinsunod sa hiling ng Pilipinas, na umano’y nagsasagawa ng sariling imbestigasyon.
Mahigit 6,000 indibidwal ang napatay sa ilalim ng anti-narcotics campaign ng administrasyong Duterte ayon sa ulat ng mga pulis, subalit batay umano sa human rights group, posibleng pumalo ito sa halos 30,000, sabi ni Conti. RNT/SA
11 Gilas players handa na sa FIBA WC 2023 Asian Qualifiers

June 27, 2022 @3:02 PM
Views:
6