Lisensya ng telcos, extended

Lisensya ng telcos, extended

July 31, 2020 @ 6:40 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Pinalawig pa ng National Telecommunications Commission (NTC) ang validity ng lahat ng lisensya at certificates ng mga telecommunication company hanggang sa katapusan ng 2020.

Ayon sa NTC, ito ay dahil sa limitasyong dulot ng enhanced community quarantine sa ilang lugar sa bansa dulot ng COVID-19 pandemic.

 “All existing permits, certificates and licenses, to operate radio communications equipment, networks and facilities, public (telecom), broadcast, government or private, in various radio services, expiring in the current year shall remain valid and may be renewed on or before the last working day of December 2020 without penalties or surcharges,” base sa NTC memorandum circular 14-07-2020.

Maaari namang magsumite ng applications for renewal, permits o licenses ang mga telco sa NTC Central Office.

“Hand-in-hand with the government, we will be able to surmount the challenges presented by COVID-19 and continue improving communications services for Filipinos nationwide,” ani PLDT chief revenue officer at Smart Communications president Al Panlilio.

Una nang sinabi ng NTC nitong Mayo na lahat ng permit na napaso sa panahong ng Luzon lockdown ay kailangang ma-renew kung saan magiging valid na lang ang lisensya sa susunod na 60 araw mula sa pagtatapos ng quarantine period. RNT/LF


  •  
  •  
  •  

Loading...