Listahan ng 4Ps lilinisin ng DSWD

Listahan ng 4Ps lilinisin ng DSWD

January 15, 2023 @ 9:57 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Planong alisin na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 500,000 benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Ito ay upang bigyang-daan ang mas marami pang benepisyaryo na makinabang din sa naturang programa.

“The objective is to cleanse, malinis, i-update ang beneficiaries natin, kasi marami po doon ay matatagal na sa programa, so marami tayong naka waitlist dito sa 4Ps natin, kaya na kailangan natin mapa-graduate ngayon. Mapalitan para maka-accomadate tayo ng bagong beneficiaries,” ani DSWD officer-in-charge Edu Punay.

Aniya, nakapag-alis na sila ng 106,000 katao sa 4Ps noong nakaraang taon at ngayong 2023, plano nilang tumanggap ng 600,000 bagong benepisyaryo.

Ipinaliwanag niya na ang mga inalis na 4Ps beneficiary ay naka-ahon na sa kahirapan.

Ayon kay Punay, mayroong 4.4 milyon na 4Ps beneficiaries sa 2022 na 362% nang sobra sa kapasidad ng DSWD.

Sa kabila nito, sinabi naman ng ahensya na ang mga magtatapos na sa 4Ps program ay maaari naman na mag-apply para maisali sa Sustainable Livelihood Program (SLP).

“Doon naman sila pipila sa SLP para yung puhunan nga na iyon kasi mawawala sila ng subsidy monthly. So yun na yung pang-sustain nila yung SLP natin where they will be given puhunan of P15,000 na panimula,” ani Punay.

Sasailalim sa application process ang mga magpapasa ng aplikasyon para sa SLP. RNT/JGC