Listahan ng COVID unvaxxed individuals nasa DILG na – Año

Listahan ng COVID unvaxxed individuals nasa DILG na – Año

February 7, 2022 @ 5:24 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Hawak na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang listahan ng mga hindi pa bakunado laban sa COVID.

Partikular na rito ang 12 mula sa 17 rehiyon.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, gagamitin ito sa pag-refocus sa vaccination strategy ng mga barangay na naiiwan sa inoculation scheme.

“Ito’y magiging basis natin ngayon para mabigyan pansin yung mga nasa listahan na hindi pa nabakunahan. Karamihan dito nasa lugar na malalayo so ito rin ang magiging strategy natin kung paano mapaaabot ang bakuna rito.”

 “Binigyan natin sila ng target goals kung ilan yung babakunahan, ang ating BARMM (Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao) naman nakikita natin na nagiimprove ano. Dati nasa less 10 percent (vaccination rate) lang sila, na ngayon nasa 30 percent na sila.”

Maglalaan aniya ang gobyerno ng ‘appropriate focus’ sa mga lugar na may vaccination rates gayundin ang pagdaragdag ng volunteers. RNT/FGDC