Listahan ng mga kompanyang bigong mag-remit ng kontribusyon, inilabas ng PhilHealth

Listahan ng mga kompanyang bigong mag-remit ng kontribusyon, inilabas ng PhilHealth

May 19, 2022 @ 2:52 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inilabas ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) nitong Huwebes ang listahan ng mga employer na bigong makapag-remit at post ng update sa kontribusyon ng kanilang mga manggagawa sa social health insurance fund.

“These employers or their employees are given 30 days upon web upload to visit the nearest PhilHealth Office in their localities to verify or validate their status and settle their outstanding obligations,” saad ng PhilHealth.

“Non-compliance shall be subject to Title X (Penal Offenses and Penalties), Rule II (Offenses of Employers) of the Revised IRR of the NHI Act of 2013,” dagdag nito.

Sa ilalim ng Revised Implementing Rules and Regulations (IRR) ng National Health Insurance (NHI) Act of 2013, papatawan ng multang hindi bababa sa P5,000 hanggang P10,000 na imu-multiply sa kabuuang bilang ng mga empleyado ang anumang kumpanya dahil sa non-remittance, under-remittance o selective remittance ng kontribusyon o ang hindi pagsusumite o pagpo-post ng remittance reports.

“As such, employers who have not had any premium remittances and/or have not submitted their reports on premium payments are therefore considered non-compliant,” pahayag ng PhilHealth.

Samantala, makikita ang listahan sa website na ito: https://www.philhealth.gov.ph/partners/employers/NonRemitting_NonReportingEmployers_022022.pdRNT/ JCM