Listahan ng mga kwalipikadong 4Ps beneficiaries inaayos na

Listahan ng mga kwalipikadong 4Ps beneficiaries inaayos na

July 16, 2022 @ 9:45 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Patuloy ang ginagawang paglilinis ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng mga benepisaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

“Data management efforts will ensure that all unqualified and ineligible beneficiaries will be removed from the program,” ayon sa kalatas na ipinalabas ng departamento.

Sa katunayan, ipinag-utos ni Secretary Erwin Tulfo ang pagtanggal sa mga benepisaryo na ang mga anak ay nakakumpleto na ng education requirements.

Sinasabing, madedetermina ng Beneficiary Data and Management System ang mga aktibong benepisaryo na ‘entitled’ na makatanggap ng cash grants, subject din sa monitoring at evaluation ng kanilang pagsunod sa mga kondisyon ng 4Ps.

Sa ulat, nakapag-assessed na ang DSWD ng mahigit sa isang milyong benepisaryo bilang non-poor, at kasalukuyan naman ngayong nasa proseso ng agarang “graduation” mula sa programa.

Ang resulta ng assessment sa mga benepisaryo at makaaapekto sa “Listahanan 3” ng departamento na sa kasalukuyan ay nasa final phase.

Nagsasagawa naman ang DSWD ng proxy means test para alamin kung ang isang pamilya ay mahirap o hindi.

Ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ay isang bagong programa ng gobyerno para labanan ang kahirapan.

Ang naging target beneficiaries ay ang mga “poorest of the poor”.

Nagkaroon ng survey at napili ang mga karapat-dapat na pamilya. Kris Jose