Listahan ng nominado sa CA, CTA posts nasa kamay na ni PBBM

Listahan ng nominado sa CA, CTA posts nasa kamay na ni PBBM

July 17, 2022 @ 1:27 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Isinumite ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang 13 nominado sa dalawang bakanteng associate justice posts sa Court of Appeals (CA) at 10 nominees sa isang bakanteng posisyon sa Court of Tax Appeals ( CTA).

Ang dalawang bakanteng posisyon sa CA ay ang mga naiwan sa pagreretiro nina Associate Justices Gabriel T. Ingles at Edgardo A. Camello noong Pebrero 27 at Mayo 19, ayon sa pagkakasunod.

Kabilang sa mga nominado ay sina: Selma Palacio Alaras, Snooky Maria Ana Cauan Barno Sagayo, Amado Paolo Calinog Dimayuga, Corazon Gonzal Ferrer Flores, Gener Malaluan Gito, , Wilhelmina Bago Jorge Wagan, Robert Victor Consunji Marcon, J. Ermin Ernest Louie Ramirez Miguel, Rosalyn Lo Dagami Mislos , Acerey Castanares Pacheco, Josefina Eco Siscar, Romeo Dizon Tagra, at Rowena Nieves Adena Tan.

Mapupunan sa CTA ang nabakanteng puwesto ni Associate Justice Juanito C. Castaneda na nagretiro noong Hunyo 24.

Nominado sa bakanteng CTA post sina Marlon Miranda Agaceta, Selma Palacio Alaras, Lyn Chua Ebora Cacha, Corazon Gonzales Ferrer Flores, Juliet Marquez Manalo San Gaspar, Robert Victor Consunji Marcon, J. Ermin Ernest Louie Ramirez Miguel, Romeo Dizon Tagra, Mark Anthony Pizarro Tamayo, at Rowena Nieves Adena Tan.

Karamihan sa mga nominado sa mga bakanteng posisyon sa CA at CTA ay mga hukom ng trial court.

Ang transmittal letter ng JBC sa mga nominado nito ay napetsahan noong Hulyo 8. Ang liham ay nai-post sa website ng JBC noong Hulyo 15.

Ang liham ay nilagdaan ni Chief Justice Alexander G. Gesmundo bilang ex officio chairperson ng JBC; Justice Secretary Jesus Crispin C. Remulla, ex officio member; at Jose Catral Mendoza, Toribio E. Ilao Jr., Noel Gimenez Tijam at Franklin J. Demonteverde bilang mga miyembro.

Ang JBC ay ang constitutional office na tumatanggap, nagsasala at nagmumungkahi ng mga appointment sa hudikatura. Sa ilalim ng Konstitusyon, may 90 araw ang Pangulo para punan ang isang bakanteng posisyon. RNT