Listahan ng regular, special non-working days para sa 2023, ipinalabas ng Malakanyang

Listahan ng regular, special non-working days para sa 2023, ipinalabas ng Malakanyang

August 23, 2022 @ 5:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Ipinalabas ng Malakanyang ang listahan ng  regular holidays at special non-working days para sa taong 2023.

Tinintahan ni Executive Secretary Victor Rodriguez ang Proclamation No. 42, araw ng Lunes, Agosto 22, idinedeklara ang mga sumusunod bilang regular holidays para sa susunod na taon:

  • New Year’s Day – January 1

  • Araw ng Kagitingan – April 9

  • Maundy Thursday – April 6

  • Good Friday – April 7

  • Labor Day – May 1

  • Independence Day – June 12

  • National Heroes Day – August 28

  • Bonifacio Day – August 30

  • Christmas Day – December 25

  • Rizal Day – December 30

Ang mga Special non-working days naman ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

  • EDSA People Power Revolution Anniversary – February 25

  • Black Saturday – April 8

  • Ninoy Aquino Day – August 21

  • All Saints’ Day – November 1

  • Feast of the Immaculate Conception of Mary – December 8

  • Last Day of the Year – December 31

  • Additional Special Non-Working Day – November 2

Nakasaad sa nabanggit na proklamasyon na ang pagdeklara ng  national holidays para sa paggunita ng  Eid’l Fitr at Eid’l Adha ay ipalalabas matapos madetermina ang “approximate dates” ng Islamic holidays alinsunod sa  Islamic calendar, o lunar calendar, o base sa  Islamic astronomical calculations, alinman ang  posible at convenient.

Samantala, inatasan naman ang Department of Labor and Development (DOILE) na bumalangkas ng  guidelines para sa nabanggit na proklamasyon. Kris Jose