Lito Lapid, magbabalik pelikula ngayong 2022!

Lito Lapid, magbabalik pelikula ngayong 2022!

January 1, 2022 @ 3:47 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Aminado ang veteran action star na kahit matagal na siya sa showbiz na naging producer, direktor at artista ay marami pa rin siyang natutunan sa award-winning director na si Brillante Mendoza. Kasama kasi si Lito ngayon sa pelikulang ginagawa ngayon ni Direk Brillante na Apag (Hapag).

Sinabi rin ng actor/politician na nagustuhan niya at napabilib siya ni Mendoza.

“Magaling si Direk. Ibibigay niya ang eksena, ikaw ang bahala sa dialogue, walang script. Wala kayong mini-memorize.

“Basta sasabihin lang ni Direk kung ano ang simula at ‘yung katapusan dapos ‘yung artista na bahala.

“First time ko nadirek sa ganu’ng istilo,” sabi ni Sen. Lito.

Matagal na raw sanang kinukuha ni Sen: Lito si Mendoza sa pelikulang gagawin ng una ngunit hindi sila nagkasundo noon dahil sa schedule.

Sa pelikulang “Apag” ay nirekomenda siya ni Coco Martin kaya tinanggap niya agad.

Plano rin ni Sen. Lito na maging active na sa pag-aartista ngayong taong 2022, at balak niyang kunin si Direk Brillante.

“Gusto ko pa rin magpadirek kay Brillante Mendoza. Nakita ko kasi, napaka-relax niya magdirek. Hindi nahihirapan ang artista, pero napakagandang gumawa. Mabusisi, matiyaga, maselan, pero maganda. Hindi puwede sa kanya ‘yung puwede na ‘yan,” sabi pa ni Lapid.

Anyway, nakipagtsikahan si Sen. Lapid sa entertainment press kasama ang kanyang anak na si Mark na isang Tourism executive at ang taga-Pinuno partylist na si Howard Quinto. JP Ignacio