Lito lapid, planong mag-retiro sa politika!

Lito lapid, planong mag-retiro sa politika!

January 26, 2023 @ 9:02 AM 6 days ago


Manila, Philippines – Nakakabilib ang resistensya ni Lito Lapid na sa edad na 67 ay wala ni isang tabletang iniinom bilang maintenance.

The senator attributes his physical condition sa pagkundisyon ng kanyang katawan.

Katwiran niya, sayang kung may mga offer pa ring dumarating.

Tulad halimbawa sa FPJ’s Batang Quiapo where he plays the horse-riding pinuno reminiscent of his past movies.

Psychologically daw ay mukhang hindi na raw niya kakayaning mangabayo.

Mismong ang bida ngang si Coco Martin ang nagsasabing huwag nang pangahasang mangabayo para iwas disgrasya.

“Pero nakaya ko naman,” pagbibida ng aktor.

Unbelievably para sa edad niya’y ni isang pildoras o tableta ng maintenance ay wala siyang iniinom.

“Basta kinukundisyon ko lang ang katawan ko,” pagbabahagi ng kanyang sikreto.

On the political side, 27 taon na raw siya sa larangang ito.

Three years pa ang termino niya bilang senador. He will be 70 by then.

Aniya, tama lang na mamaalam o magretiro na siya sa pulitika.

Kung mare-reelect daw kasi siya ay matatapos ‘yon when he’ll turn 76.

Bagama’t ayaw raw niyang magsalita nang tapos, desidido na si Lito na babu na sa pulitika sa edad na sitenta.

Hindi nga lang niya binanggit kung co-terminus ‘yon sa kanyang showbiz career. Ronnie Carrasco III