Litrato ni P-Duterte, ginamit ng Taiwan politician sa kanyang kampanya kontra droga

Litrato ni P-Duterte, ginamit ng Taiwan politician sa kanyang kampanya kontra droga

June 21, 2018 @ 8:48 PM 4 years ago


 

Taiwan – Huwaaaw! Sikat talaga si Tatay Digong, maging sa ibang bansa.

Isang Taiwanese Congressman ang ginamit ang larawan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang mobile billboard upang ipangalandakan ang kanyang palataporma laban sa iligal na droga.

Ang mobile billboard na pinaniniwalaang ad o gimik ng isang pulitiko ay ipinost sa Facebook ni Nieviv Sucuaje.

Sakay siya sa motorsiklo nang makita ang billboard at kanyang kinunan ng larawan sa Hualien.

Katabi ni Pangulong Duterte ang larawan din ng politician.

Tila gusto ipagsigawan ng pulitiko sa billboard na idolo niya ang Pangulo ng Pilipinas sa paglaban sa iligal na droga.

Ang Taiwan at Pilipinas ay ikinokonsidera ang isa’t isa na mag-partner sa pagsugpo sa mga big-time drug trafficking.

Matatandaang sinabi ni Taiwan representative Dr. Gary Song-Huann Lin na hindi ang kanilang bansa ang responsable sa pagpapalusot ng droga sa Pilipinas.

Ngunit ang komento ni Lin ay taliwas sa pahayag ni Duterte na ang Bamboo Triad, isang Taiwan-based drug syndicate ang supplier ng illegal drugs sa Pilipinas.

Pero kailan lang, isinuko ng Taiwanese authorities sa bansa si Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog, isa sa sinasabing drug lord sa Mindanao. (Al Din)