Litrato ni Trump, sinasamba

Litrato ni Trump, sinasamba

July 25, 2018 @ 5:00 PM 5 years ago


India – God-like kung ituring ng isang magsasaka sa Telangana si U.S President Donald Trump.

Sinasamba lang naman kasi ng 31-year-old na si Bussa Krishna ang picture ni Trump na bitbit rin niya kahit saan siya magpunta.

Ginawan pa niya ito ng altar kung saan araw-araw siyang nananalangin kasama ang mga kapamilya at kapitbahay niya.

Naisipan ni Krishna na sambahin ang US President matapos patayin si Srinivas Kuchibhotla, isang software engineer mula sa estado, ng isang beteranong U.S Navy.

Sobra daw siyang nasaktan sa pangyayari kaya nananalangin at itinuturing niyang diyos si Trump dahil umaasa siyang aabot sa pangulo ang mga dasal nila kahit na malayo ito sa kanila.

Tatlong taon na raw sumasamba ang Indiano dito pero ang nakapagtataka ay hindi raw pala niya gaanong kilala ang presidente at hindi rin daw siya supporter nito.

Sa tindi ng pagsamba at pagturing niyang diyos kay Trump ay balak na niyang magpatayo ng templo para marami pang mahikayat na sumamba dito. (Remate News Team)