Live-in partner arestado sa P400K bato

Live-in partner arestado sa P400K bato

December 7, 2021 @ 2:51 PM 10 months ago


PANGASINAN- Kulong ang inabot ng isang 37-anyos na lalaki at ang 34-anyos na live-in partner nito matapos silang maaresto sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Caranglaan, Dagupan City.

Kinilala ang dalawang suspek na sina Isidro Caita, Jr.,  cellphone technician, at Esperanza Talay aka “Shane”, kapuwa residente ng Brgy. Coliling, San Carlos City.

Ang magdyowa ay pareho umanong High Value Individuals sa buong Rehiyon Uno.

Ayon kay PLt. Michael Murao, Police Community Relation (PCR) Officer ng Dagupan City Police Station, nasa humigit-kumulang sa 59 gramo ang hinihinalang shabu na nakumpiska mula sa mga suspek  na may Street Drug Price (SDP) value na higit P400,000.

Naging maayos naman o walang naging aberya ang isinagawang operasyon ng mga otoridad dahil hindi  nanlaban ang mag live-in partner. Rolando S. Gamoso