Livelihood program handog ng QC LGU para sa jobless QCitizens

Livelihood program handog ng QC LGU para sa jobless QCitizens

September 6, 2021 @ 1:32 PM 10 months ago


MANILA, Philippines – Upang matulungan ang mga nawalan ng trabaho na QCitizens ngayong pandemya na sumasalanta sa maraming pamilya, ang Quezon City government ay naglunsad ng isa pang livelihood program para mabenipisyuhan ang walang trabaho.

Sa press release ang Small Business and Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) sa pakikipagtulungan ng Office of the City Mayor, Office of the City Administrator, Sustainable Development Affairs Unit, Social Services Development Department, at QC Public Employment Service Office ay naglunsad ng “Pangkabuhayang QC” na isang livelihood training at financial assistance program para sa QCitizens na nawalan ng kanilang hanapbuhay sa panahon ng pandemya.

“Unfortunately, aside from the presence of the COVID-19 virus, unemployment is also one of our concerns for the people of Quezon City. Through this new Pangkabuhayang QC program, we can help our residents provide for their families and slowly improve their circumstances,” ayon kay Mayor Joy Belmonte .

Ayon sa QC government bilang paglulunsad ng programa mula sa financial assistance ay pinalawig pa mula sa 200 beneficiaries na binubuo ng hog raisers, sewers, vendors, farmers, parents of children with disabilities at jeepney drivers, ay kabilang sa mga kuwalipikadong sa kuwalipikasyon.

Kaugnay nito ayon kay SBCDPO Head Mona Celine Yap ang naturang programa ay upang makaahon ang ekonomiya mula sa pagkakalugmok bunga ng pandemya.

“Last year, we helped businesses provide for their employees through our Kalingang QC para sa Negosyo program. This time, we will be directly helping our community members who continue to struggle during this pandemic. Pangkabuhayang QC will now give them a chance to open or pursue livelihoods for a more sustainable family income,” ayon pa kay Yap .

“This is still part of QC’s COVID-19 response. As we help open more micro and small businesses, economic activity will continue to prosper thereby bringing income across all sectors,” dagdag pa nito. Santi Celario