Manila, Philippines – Blockbuster ang pelikulang “Liway” at “ML” sa nagpapatuloy na Cinemalaya 2018 na may temang ‘Cinemalaya 14: Wings of Vision’ na magtatapos sa Sunday, August 12.
Dahil nagkakaubusan ng ticket sa dalawang pelikula, naglabas na ng additional screening schedule sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ang mga pelikulang “Liway” na pinagbibidahan ng Kapuso actress na si Glaiza de Castro at “ML” na pinagbibidahan naman ng veteran actor/director na si Eddie Garcia.
Sa kanilang Twitter page, inanunsiyo ng Cinemalaya (@cinemalayaoffcl) na ang top-grossing films ng festival ngayon ay ang dalawang pelikula.
#LIWAY & #ML are the two top-grossing films of #Cinemalay2018!
They will have additional screenings this Sunday!
ML: August 12, 12:45 PM, CCP Little Theater
LIWAY: August 12, 3:30 PM, CCP Little TheaterTickets are now available at the CCP and TicketWorld! pic.twitter.com/E40ochyrri
— Cinemalaya (@cinemalayaoffcl) August 10, 2018
Ang “Liway,” ay idinirek ni Kip Oebanda, at base sa true to life story tungkol sa isang batang ina na may misteryosong nakaraan at ikinukwento ang mga napagdaanan sa anak para protektahan ito sa realidad ng paglaki sa loob ng prison camp noong Martial Law.
Isang martial law inspired din ang “ML” na isang suspense thriller na umiikot sa isang college student, girlfriend nito at bestfriend na gustong matuto at malaman ang kwentong Martial Law mula sa isang matandang retiradong sundalo.
Kasama rin sa mga kalahok ang “Distance” ni Perci Intalan, “The Lookout” ni Afi Africa, “Musmos Na Sumibol Sa Gubat Ng Digma” ni Iar Arondaing, “Kung Paano Hinintay Ang Dapithapon” ni Carlo Enciso Datu, “Pan De Salawal” ni Anna Francesca Espiritu, “Kuya Wes” ni James Robin Mayo, “Mamang” ni Denise O’Hara, at “School Service” ni Luisito Ignacio. (Remate News Team)