Liz Truss nagbitiw na bilang punong ministro ng Britanya

Liz Truss nagbitiw na bilang punong ministro ng Britanya

October 21, 2022 @ 10:27 AM 1 month ago


BRITANYA – Nagbitiw na bilang Punong Ministro si Liz Truss.

Ito ang magiging pinakamaikling paglilingkod na punong ministro sa kasaysayan ng Britanya, pagkatapos na ipahayag ang kanyang intensyon na magbitiw sa loob lamang ng anim na linggo.

Sinabi ni Truss noong Huwebes na magbibigay-daan siya sa bagong pinuno matapos na rin ang dumaraming bilang ng mga mambabatas na tumalikod sa kanya kahit pa sa kanyang sariling Conservative Party.

“Given the situation, I cannot deliver the mandate on which I was elected by the Conservative Party. I have therefore spoken to His Majesty The King to notify him that I am resigning as Leader of the Conservative Party,” ani Truss sa kanyang talumpati. RNT