Liza at Boy, nagkausap, guest sa Fast Talk ngayon!

Liza at Boy, nagkausap, guest sa Fast Talk ngayon!

March 10, 2023 @ 3:24 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines- Abangan ang espesyal at eksklusibong panayam kay Liza Soberano ngayong hapon sa Fast Talk with Boy Abunda sa GMA.

Ito ang kauna-unahang guest appearance ni Liza sa rival network ng dating tahanan, ang ABS-CBN.

Panauhin ng tinaguriang Asia’s King of Talk ang 25 anyos na aktres whose guesting was arranged by her manager James Reid.

Ito’y para bigyang linaw ang kontrobersyang kinapapalooban ni Liza matapos ang kanyang 14-minute This Is Me video.

Ikinasakit din daw ng damdamin ng aktres ang pahayag ni Boy na disappointed siya kay Liza.

Kaya naman kinabukasan, after Boy aired his disappointment ay inayos ni James ang guesting ng bagong alaga niya.

March 7 nang magkita’t magkausap sina Boy at Liza, isang araw bago bumiyahe pabalik ng Amerika ang aktres.

Dahil hindi sasapat sa 15 minutos ang panayam kay Liza kung kaya’t hinati ito sa dalawang bahagi.

Ang Part 2 ng interview ay ipalalabas sa Lunes, March 13.

Ang two parts ay may pamagat na Liza Soberano: Her Story Behind Her Words.

Iginiit ni Boy sa kanyang statement kamakailan ang salitang gratitude o pasasalamat na dapat taglayin ni Liza patungkol sa mga taong nakatulong sa kanyang pagsikat.

Si Ogie Diaz ang humawak sa karera ni Liza sa loob ng 13 taon hanggang kumawala ito sa ABS-CBN at Star Magic at nagpasyang lumipat sa Careless, ang management office ni James.

Si Liza ang naatasang maging Chief Advocacy Officer sa bago niyang corporate job. Ronnie Carrasco III