Liza, bantay-sarado kay Enrique!

Liza, bantay-sarado kay Enrique!

August 22, 2022 @ 10:48 AM 1 month ago


New Orleans, USA – Stage boyfriend: ganito na ba ngayon si Enrique Gil sa nobyang si Liza Soberano?

As we all know, kasalukuyan pa ring nasa Amerika si Liza chasing her Hollywood dream.

Nagbunga naman ito as she’s cast in the horror comedy Lisa Frankenstein.

Taffy ang pangalan ng character ni Liza.

Ito’y mula sa direksyon ni Zelda Williams, anak ng yumaong si Robin Williams.

Umiikot ang kuwento tungkol sa isang pangkaraniwang high school student who accidentally reanimates a Victorian corpse from chance encounters.

Ito ang ginamit ng bida to create the man of her dreams.

Hindi malinaw kung ito ang papel na gagampanan ni Lisa.

But one thing’s for sure, bumiyahe na raw si Enrique kasama ang kanyang pamilya patungong New Orleans kung saan naroon ang film shoot.

Early on, matatandaang nabalitang nagkakaproblema sina Lisa at Enrique dahil madalas magkasama ang aktres at manager nitong si James Reid.

Now the answer to the question is pretty obvious! Ronnie Carrasco III