Liza, bisi-bisihan; master’s degree, pinagkakaabalahan!

Liza, bisi-bisihan; master’s degree, pinagkakaabalahan!

April 8, 2021 @ 5:21 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Siguradong maraming romantikong Pinoy ang na-excite sa balitang engaged (to be married) na ang mag-sweetheart na sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pero sorry, mariing itinanggi ang balitang ‘yon na pinakalat ng isang netizen.

“I’m sorry to burst your happy bubble but if I was engaged, I would be loud and proud,” sagot ni Liza sa isang fan na ‘di nababawasan ang pagiging romantiko sa gitna ng lumalalang pandemya ng COVID-19 (na nadadagdagan pa ng variants).

Ayon pa kay Liza, 23,  hinding-hindi n’ya ililihim ‘pag engaged na siya kay Enrique.

Hindi binanggit ni Liza pero natunghayan namin sa social media post ng nakatatandang kapatid ni Enrique na si Javi, na dalawang pamilya umano ng aktres ang kanyang binubuhay: ang pamilya niya sa Pilipinas at ang pamilya n’ya sa Amerika.

Binanggit din ni Javi na kasalukuyang kumukuha ng master’s degree si Liza. ‘Di nilinaw ni Javi kung sa Amerika o sa Pilipinas naka-enroll sa isang online graduate degree course si Liza.

Ayon pa kay Javi ay hangang-hanga siya sa intelligence ni Liza. Danny Vibas


  •  
  •  
  •