Liza, dedma sa buntis isyu!

Liza, dedma sa buntis isyu!

December 29, 2021 @ 4:18 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Lumaki lang ang tiyan, matik, buntis ka agad bukas sa balita!

Laman ng bibig ng mga Marites ngayon sa social media ang tsika na buntis si Liza Soberano.

Sa latest Intagram post kasi ng aktres, mukhang lumaki ang tiyan nito habang nakasuot ng trench coat.

Bukod dito, inisa-isa rin ng netizens ang IG post ni Liza at “base sa kanilang obserbasyon”, madalas na tinatago nito ang tiyan sa photos.

Hinala ng iba, just like other actresses, nagtatago na rin muna si Liza abroad hanggang sa mag-give birth?

Currently kasi, nasa ibang bansa ito kasama ang boyfriend na si Enrique Gil at ang buong pamilya to celebrate the holiday season.

May nagduda pero marami pa rin ang nagtanggol sa aktres at sinabing “mars, malaking babae kasi siya, kaya ‘pag kumakain ng marami, halatang busog!”

As of now, deadma naman si Liza at Enrique sa issue na ‘to.

Hmmm. Ano masasabi niyo rito? Wink! Paula Jonabelle Ignacio