Liza, di masabi kung mas magaling siyang Darna kesa kay Jane

Liza, di masabi kung mas magaling siyang Darna kesa kay Jane

March 8, 2023 @ 8:25 AM 2 weeks ago


Manila, Philippines- April 2019 nang magbitiw si Liza Soberano sa dapat sana’y kasado nang pagganap niya bilang Darna.

Ang Darna ay local superhero na likha ni Mars Ravelo.

Ang pinsala sa kanyang daliri na tinamo niya sa teleseryeng Bagani ang dahilan kung bakit hindi na kakayanin pa ni Liza ang mga stunts na hinihingi ng papel bilang Darna.

Nag-conduct ng malawakang audition ang ABS-CBN para maghanap ng gaganap sa iconic character.

Finally, the much-coveted role landed on Jane de Leon’s lap.

Kung matatandaan, binati pa ni Liza si Jane.

Looking back, isa ito sa mga pinaksa ng vlog interview ni Bea Alonzo kay Liza.

Tinanong ni Bea si Liza if the latter could have been a better Darna.

Sagot ni Liza: “Honestly, I don’t know.”

Assessing herself, hindi raw kinukunsidera ni Liza na panalo ang kanyang aesthetic capabilities.

Gayunpaman, inamin ni Liza na tinutukan niya ang ilang episodes ng Darna lalo na sa simula.

“I think Jane did a good job,” Liza said of the one who replaced her.

Bagama’t hindi naman daw sila super close ni Jane, ipinaramdam naman daw niya rito ang kanyang suporta bilang pamalit niya.

The same may be said sa kaso ni Janella Salvador na mas malapit daw kay Liza.

Janella played Valentina in the series.

Nakakatawa lang isipin na gusto na ngang kumawala ni Liza sa anino ng kanyang nakaraan yet ang topic na pinag-usapan pa nila ni Bea ay ang naudlot pa niyang TV project sa dating home network.

Earlier, naiulat dito sa Remate Online ang hanash ni Liza tungkol sa film project na Hello Love Goodbye na una raw inialok ng Star Cinema sa kanila ng nobyong si Enrique Gil.

Ipinagtaka ni Liza kung bakit napunta ang nasabing proyekto kay Kathryn Bernardo na itinambal kay Alden Richards.

Papel na Joy na isang OFW sa Hongkong ang ginampanan ni Kathryn sa HLG.

Sa mga susunod kayang panayam kay Liza, will she be asked if she could have been a better Joy? Ronnie Carrasco III