Liza Dino, gustong magpatuloy sa FDCP sa susunod na admin!

Liza Dino, gustong magpatuloy sa FDCP sa susunod na admin!

February 26, 2022 @ 10:00 AM 4 months ago


Manila, Philippines – Bet pa rin ni Liza Dino na ipagpatuloy ang kanyang service as the chairperson at CEO ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) kung bibigyan siya ng pagkakataon ng bagong pangulo ng Pilipinas pagkatapos ng May election.

Coterminous kasi ang posisyon ng FDCP chairmanship sa Pangulo ng Pilipinas na nag-appoint sa kanya. Kaya sa pagtatapos ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte ilang buwan mula ngayon, ay tapos na rin ang termino ni Chair Liza.

“If I will be given the chance to continue, I would love to continue. Only because I believe that there is much to be done,” sabi ni Chair Liza.

Pero kung muli man siyang i-appoint o hindi ay maluwag sa kanyang kalooban na tatanggapin ito.

“Iba rin ‘yung fulfillment na nabigay sa akin ng pagiging head ng FDCP. So, I would love to stay. Pero kung anuman, whether I stay o talagang this is the end of my term, I will accept it wholeheartedly.”

Sa mahigit limang taon ng panunungkulan ni Chair Liza ay napakarami niyang nagawa para sa film and entertainment industry. Kaya naman marami pa rin ang may gusto na sana ay maipagpatuloy pa rin niya ang pagseserbisyo bilang chairperson ng FDCP.

Natutuwa lang si Chair Liza na malamang maraming sumusuporta sa kanya at humihiling na siya pa rin ang i-appoint na FDCP chairperson ng susunod na pangulo.

“Siyempre happy ako. Ang sarap ng feeling na parang na-appreciate ‘yung ginagawa mo. And it’s not just me kasi collective effort ito lalo na sa team namin na ‘yung commitment nandoon, ‘yung passion nandoon,” sabi ni Chair Liza.

Habang hindi pa natatapos ang kanyang termino, abala pa rin si Chair Liza sa kanyang trabaho lalo na ngayong nalalapit na ang isa sa taunang big events ng FDCP, ang 6th Film Ambassador’s Night na gaganapin sa February 27, 2022 sa makasaysayang Manila Metropolitan Theater.

Ang FDCP ay muling magbibigay-pugay sa mga taong tinitingala sa industriya na nagpamalas ng galing, at sa kanilang mga pelikulang nagbigay karangalan sa bansa sa pamamagitan ng kanilang pagwawagi ng mga awards at citations mula sa mga pinaka-ginagalang na film festivals sa buong mundo.

“It’s another year’s worth of victories with the best of the best Filipino films being recognized around the world, highlighting our cultural heritage in cinema over the years. As we have continued to reach altitudes on the global stage, we applaud each filmmaker who shares their talent, creativity, and passion to the world. We created this night to celebrate you,” pahayag ni Chair Liza. JP Ignacio