Liza Dino, wapakels kung bet ng anak magka-jowa ng tibo!

Liza Dino, wapakels kung bet ng anak magka-jowa ng tibo!

June 3, 2021 @ 7:41 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Pride month ang buwan ng June.

Ipinagdiriwang ang pantay-pantay na karapatan meron ang mga kabilang sa LGBTQIA+ community.

Kung si Film Development Council of the Philippines Chair Liza Dino-Seguerra ang tatanungin, bukas daw ang kanyang puso’t isipan kung sakali mang magkaroon ng lesbian partner ang trese anyos niyang anak na si Amara.

Bgama’t alam daw nito ang kanyang gender orientation, walang kaso kay Liza kung tulad din niya’y makatagpo si Amara ng kasintahang tomboy o tibo.

Bilib nga raw si Liza kung paano siya tingnan ng anak maging ang mga transmen nitong kaklase’t kaibigan. Si Amara pa nga raw ang nagtuturo sa kanya ng wastong pagtawag sa mga ito.

Kung sakali man daw magkaroon si Amara ng karelasyong tibo ay suportado niya ito.

Samantala, nasa plano pa rin nina Liza at Ice Seguerra ang pagkakaroon ng anak. Nagkataon lang daw at maraming financial contraints lalo’t mahigit isang taon nang walang trabaho si Ice dulot ng pandemya. Ronnie Carrasco III