Liza Marcos ginawaran ng titulong ‘Chief Girl Scout’

Liza Marcos ginawaran ng titulong ‘Chief Girl Scout’

November 3, 2022 @ 4:18 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Ipinagkaloob kay Unang Ginang Atty. Marie Louise Araneta Marcos ang titulong “Chief Girl Scout” sa idinaos na investiture ceremony sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Nobyembre 3.

Nangako naman ang Unang Ginang na tutulong sa paghubog sa “mental, emotional, at social qualities” ng mga kabataang kababaihan.

Sa naging talumpati ng Unang Ginang, kinilala nito ang Girl Scouts of the Philippines (GSP) para sa walang kapaguran na pagganap sa kanilang misyon upang ihanda ang mga batang kababaihan sa kanilang responsibilidad sa bansa at komunidad.

Isinapormal ang GSP noong Mayo 1940 sa pamamagitan ng Commonwealth Act No. 542.

Mayroong 800,000 girl scouts sa bansa batay sa 2017 data.

“As the First Lady of the Philippines, I have been designated as the Chief Girl Scout of the Philippines. It is a title that I will truly be proud of… not only because of its meaningful history but more so because it will allow me to help our young women cultivate the same values that I learned when I was a Girl Scout in school,” ayon sa Unang Ginang.

Ginunita naman ng Unang Ginang ang kanyang karanasan bilang girl scout, tinuruan aniya siya na tumulong sa komunidad sa pamamagitan ng pagtatanim ng puno para tulungan ang kapaligiran.

“Who would’ve thought that years later, especially with the recent onslaught of Typhoon Paeng, that something as basic as tree planting would be of vital importance,” wika ni Marcos.

“And if we can find ways to help save our environment, we will definitely be able to help our community and our country,” dagdag pa niya.

Sa naging talumpati pa rin ng Unang Ginang, ipinahayag nito ang kanyang commitment na makapag-ambag sa nation-building.

“As part of the GSP movement, I am committed to help shape our young women’s mental, emotional and social qualities. I will strive to help our environment and do our part towards nation-building. Together, we will achieve these goals,” aniya pa rin. Kris Jose