Liza, nasa Bora minus Enrique!

Liza, nasa Bora minus Enrique!

October 4, 2022 @ 2:56 PM 2 months ago


Manila, Philippines- Disappointed ang mga LizQuen fans dahil dumating na sa bansa si Liza Soberano minus her reel and real boyfriend Enrique Gil.

Ayon sa mga nakakita sa aktres, mukhang nagpalit lang daw ito ng maleta at lumarga na sa Boracay.

Ang nakakalungkot pa raw, ang manager nitong si James Reid ang kasama ni Liza in her island trip.

Nagpaiwan daw ba si Enrique sa Amerika? Kung oo, ano’ng pakay ng kanyang extended stay roon?

Dati nang spotted sina Liza at James sa mga public places sa US.

Pero bahagi ‘yon ng trabaho ni James as Liza’s manager.

Sana raw ay makuhang isingit ni Liza ang pagharap sa kanyang mga fans kahit through Instagram.

Curious kasi ang mga ito sa mga ganap kay Liza during the shoot of her first ever Hollywood movie, ang Lisa Frankenstein.

Kung puwede nga raw na kasama na rin si Enrique as they face their fans. Ronnie Carrasco III